Eleksyon 2019: Siyam na Bagay na Dapat Mong Asahan


Eleksyon na naman Juan. Naaamoy ko na ang halimuyak ng mga bulaklak, este mabubulaklak na salita ng mga politiko. Ganun na ganon pa rin ang sistema. Di ka na natuto. Para silang ex mo na kahit niloko ka na eh makikipagbalikan ka pa rin. Like seriously!

Anyhow, heto ang mga bagay na malaki ang probability na mangyari. Ito ay gabay lamang at pag may kailangang gamot, wag mahihiyang magtanong. Furthermore, sa Mercury, nakasisiguro na gamot ay laging bago so let's go! πŸ˜†

1. ROAD WIDENING. Makakaasa ka na luluwag ang inyong kalsada ng isang dipa para lang magka-tangible project sila. Usually, sila yung mga politiko na may nakalagay na "Re-Elect" o "Iboto Muli" sa mga campaign materials.

2.  ASPHALT OVERLAY. Makakaamoy ka na lang ng parang nasusunog na goma na parang ewan. Nakatitiyak ako na ang mga sementong daan ay mapapatungan ng aspalto at maging na rin yung dati ng aspaltong daan ay papatungan ulit ng isang layer pa ng aspalto. Ingat sa pagdaan at ingat na rin sa mga politikong sing-itim ng aspalto ang hangarin.

3.  DRAINAGE PROJECTS.  May paghuhukay na magaganap sa gilid ng daan. May pa-drainage ang paborito mong politiko pero dahil rush at hindi carefully planned, hindi tayo sure kung ito ay konektado sa main sewer line at kung hindi, tiyak na magiging breeding ground lang ito ng mga lamok. Presto! Dengue aabutin natin.

4. MALAWAKANG PAGTITIBAG NG KALSADA na hindi naman sira tapos sesementuhin ulit. Parang ano lang to eh, parang nung time na dumating sa buhay mo ex mo tapos binuo niya pagkatao mo tapos bigla ka na lang iiwan tapos masisira ka ulit. Ibuh.Puro pa-semento. Swear!

5. MEDICAL MISSION. Dahil gusto daw nila healthy ka, magpapa-medical mission sila. Take advantage of course dahil ang sunod nyan ay after 3 years pa. Sayang din ang libreng Paracetamol at Mefenamic Acid that you can use for a medical use and not so for recreational use. Well, everything is good but in moderation. πŸ˜‚

6. MGA NAKAKAINIS AT NAKAKATAWANG JINGLE  sa saliw ng "Despacito", "Let It Go" at "Boom Boom (Momoland)". Tiyak na may politikong magpapa-charm sa mga meeting de avance at kakanta ng "My Love Will See You Through" halimbawa. Makakaasang game din sila na mag "Switch It Up Challenge". The more na ''muntanga', the better. Mag-Momo Challenge na lang siguro sila, mas masaya pa.

7. MAUUMAY KA SA MUKHA NG MGA KANDIDATO. Kendi na may mukha ng kandidato, pamaypay na may mukha ng kandidato, T-shirt na may mukha ng kandidato, sardinas na may mukha ng kandidato, "Congratulations Graduates" na tarpaulins na 3/4 ng sukat ay mukha lang ng kandidato. Grabe! grabe! grabehan!

8. MGA BASURA mula sa mga campaign materials. Mapupuno kasi ang mga dingding na may nakalagay na "Post No Bill" ng mga posters. May ipapako din sa mga poste ng ilaw at sa mga puno. May mga nakasabit din na paraphernalia sa traysikel ni Mang Ramon at  maging sa bubong ng karinderya ni Aling Pasing. Ewan ko ba pero hindi ko naman talaga kilala yang si Ramon at Pasing na yan. πŸ˜†

9. PERANG NAKA-STAPLER. Perang mas malutong pa sa mura ng kapitbahay mong chismosa ang mamayani. Kung hindi ka tatanggap, very good. Kapuri-puri ka! Isa yang malaking check mula sa pink na ballpen. Pero kung tatanggap ka naman, "pera sa bulsa, boto sa balota" shall prevail.


Hindi ko naman nilalahat pero parang halos lahat. Bato bato sa langit ang tamaan ng bato pakidala na lang dun sa naghahalo ng semento para sa mga road widening projects. πŸ˜› K bye.

Comments

Popular Posts