Bakit kung sino pa walang lovelife, siya pa maraming hugot?

       Out of the blue, bigla na lang sila huhugot ng napakalalalim. You laughed at first because it was funny. Nung una sing lalim lang ng balon na kita mu pa yung pinanggagalingan pero madalas, mas malalim pa sa Mariana Trench na di mo na ma-dig. Then malalaman mo na sila pala ay single? Ukininam talaga!

       They must have been through something serious para ma-provoke sila na humugot. Alamin natin kung saan nanggagagling ang emosyong nagmumula sa kaibuturan ng puso ng mga kapatid nating single.  Narito ang 8 dahilan kung bakit nga ba kung sino pa walang lovelife, siya pa maraming hugot.




1. Failed Relationship
       Una sa lahat, nanggaling sa isang failed relationship ang mga hugotero't hugotera. Labis silang umasa na yung ex nila yung the one then sa huli, hindi pala sila meant to be. Yung chill lang at smooth naman lahat but in the end, na realized niya na something sa loob niya is whispering na hindi magwoworkout relationship nila. Yung sinunod naman nila kanta ni John Legend and he've given all of him and she gave all of her in return pero wala talaga. They've become the best version of themselves naman pero ba't kulang pa rin para sa isa't isa. Huwag mong isipin na sa panahon ngayon, Motolite na lang ang tumatagal kasi kaya kayo nag-fail is because you were not meant to be. Ganun lang yun.

2. Nakaranas ma-UTI
       Mas masakit pa sa urinary tract infection ang Umasa ka Tapos Iniwan. Sinisisi mo siya kasi sabi mo siya tong pa-fall but you failed to realize na ikaw tong nakaramdam ng pag-asa and thought na bawat pagngiti niya sayo eh may ibang kahulugan when in fact, he or she is just being so friendly sayo. Now that the intention is clear, involved pa rin yung PAG-ASA but this time to tell you na may namumuong Low Pressure Area sa mga mata mo at inaasahan ang manaka-nakang pagpatak ng luha sayong mga mata at pagkulog ng iyong puso. (Sadlayp!)

3. Algophobia (Fear of Pain)
       Sila naman yung mga taong takot na sa pain kaya nagkaphobia na masaktan. Nagpakahirap kasi sila magbayo, magsaing, pero in the end, iba yung kumain. Uhhh! Worst feeling! Pero bes, wag matakot sumubok ulit. Don't let your fear consume you and remind yourself that the fear that once controlled you can't get to you at all. It's time to see what you can do. Test the limits and break through. Because there is no right or wrong, no rules for you. You're free! (Haha)

4. Martir
       Naging martir sa love ang mga kapatid nating single. Sila yung kahit harap harapan ng niloloko eh sige pa rin. Yung OK lang sa kanila masaktan at patuloy pa ring kumakapit para masabi niyang "At least, akin pa rin siya". Sigh. Yung last na martir na kilala ko ayun nakalibing ngayon sa Luneta at nakaukit ang mukha sa piso pero bes naman, hindi ka si Rizal at hindi ka kailanman magkakarebulto sa pagpapaka-martir mo. Learn to let go because the more you will force it the more na masasaktan ka. Bes, wake up.

5. Pagod na maghintay
     May mga taong single na nangawit na kakahintay ng ka-forever niya kaya puro kabitteran na lang ang alam at naging papaitan na ang puso. Kung hindi lang din daw sya magiging masaya eh damay damay na. Very wrong! Pag siya ba nahanap mo na, ise-share mo sa iba? Minsan kailangan mo rin siyang hanapin. Finding your ultimate destiny may be like finding a karayom in a haystack, mahirap pero pag nahanap mo naman siya eh parang Rebisco, ang sarap ng feeling mo. Tandaan na hindi ka magkakalovelife ng wala kang ginagawa. Anu to networking? Kikita ka ng walang gingawa? Walang ganun bes!

6. Choosy
       Huwag choosy kasi hindi ka naman yummy. Ang puso ay dapat parang carinderia na bukas para sa lahat. May mga customer na kaiinisan naten, meron yung parang wala lang, pero meron at meron talagang makakagaanan ng loob naten at makapagbibigay satin ng ngiting sing tamis ng arnibal. Yung instantly pakiramdam mo match kayo, na ikaw ang dinuguan at siya yung puto. Na ikaw ang tuyo at siya ang champorado. Siguro nga perfectionist ka and you told yourself na hindi ka mageentertain ng sino man unless lahat ng checklist mo for a dream guy or girl eh nasa kanya. Minsan sa kakahanap mo ng perfect eh diyan ka tatandang single.

7. Hindi alam ang buong konsepto ng love
       Madalas, single people don't know the whole concept of love. They don't know when love is really love, when it's only infatuation, crush, or purong libog lang. Kaya minsan ayaw nila mainlove because they are not certain sa nararamdaman nila. God placed our brain above our heart to help you and guide you through. Don't be afraid na magkamali kasi we all do. I know sometimes you are frightened but please be ready to learn the power of love (pahiram Celine Dion ng lyrics). Now is the perfect time learn love.

8. Hindi ka lang talaga gustuhin.
       Sadyang may mga hindi blessed sa Looks Department kaya walang magkagusto.  Wag mawalan ng pag asa. Si Belle nga nagustuhan si Beast. May isang prinsesa nga nagkagusto sa palaka. Pero wag umasa sa point na gaganda or gugwapo ka pag nahalikan ka ni true love because love is not always like fairytale na you will live happily ever after in the end. Looks are only instrument to attract people pero what make them  stay depends on your character, kaya magpakabait ka pa lalo. Isipin mo na lang na ang kagandahan sa pagdaan ng panahon, ay palamlam ng palamlam pero ang kapangitan ay pinagtitibay ng panahon. Kung wala talaga hanap ka rin ng pangit para it's a tie. Una palang wala na kayong lamangan and that's a very good start. Ibigin mong tunay and together reach for the stars and make this world a better place to live in. (Charot!)


       Kaya ganun nalang sila humugot kasi sucklaugh ng pinagdaanan nila. We might had been through a lot of pains and heartaches but that shouldn't stop us from living. It's what makes us human na marunong makaramdam kasi hindi tayo robot. It's still a wonderful world. Sabay-sabay natin ipag-pray over ang mga single na sa kakahugot nila ay mahanap na nila si FOREVER.  #PrayForSingles -Jon-

Comments

Popular Posts