Hugot Horoscope: Fierce and Bitter Forecast

       Ang mga bituin ay gabay lamang. Meron kang free will gamitin mo ito. Meron kang free data, gamitin mo ito. May SUKI Card ka, gamitin mo rin ito. Lahat meron ka, lovelife lang wala. Butthurt!



ARIES (March 21-April 19)
Wag magpapaniwala sa forever, balang araw aARIES din siya sa piling mo at ibang tao naman ang aaTUPAgin niya!

TAURUS(April 20-May 20)
Hindi ka na makakahanap ng taong magseseryoso sayo dahil tulad ng zodiac sign mo, mukha kang toro!

GEMINI(May 21-June 20)
Ang gemini ay hango sa wikang Latin na ang ibig sabihin ay twins. Kambal rin kasi ang puso niya  ngayon kasi dalawa kayo ngayong nilalandi niya.

CANCER(June 21-July 22)
Parang cancer cells, mabilis na kakalat sa katawang lupa mo ang selos na magiging dahilan ng agaran niyong paghihiwalay. Higit pa sa hirap ng chemotherapy ang mararanasan ng puso mo dahil hindi ka makakamove-on. 😭

LEO(July 23-August 22)
Ipahinga mo muna ang puso mong nasaktan, magpaka-LEO ka, hanapin mo sarili mo, magpakatatag ka dahil pagbalik mo, wala pa ring magmamahal sayo ng totoo. 🦁

VIRGO(August 23-September 22)
Tigil-tigilan ang pagsasabing LOYAL at STICK TO ONE ka lang dahil di ka naman na virgin. Ano ka, Coconut Oil? 🌴

LIBRA(September 23-October 22)
Grabe ang effort at bigat ng pagmamahal mo tapos hindi naman niya ito naibabalik ng katumbas nung sayo. Timbangin mo pagmamahal niya sayo at nakasisiguro akong ito'y kulang.

SCORPIO(October 23-November 21)
Mas masakit pa sa kagat ng scorpion ang mararamdaman mo pag nalaman mong panakip-butas ka lang pala niya. Pero mas masakit pag nalaman mong mukhang scorpion yung ipinalit niya sayo. 😱😱😱

SAGITTARIUS(November 22-December 21)
Walang kupido bes! Ang meron stupido! Hiwalayan mo na siya dahil literal na mapapana yang puso mo at magdurugo ito ng labis.

CAPRICORN(December 22-January 19)

Hango sa mythical creature na sea-goat ang zodiac mo, kalahating kambing, kalahating isda. Parang pag-ibig niya sayo, myth lang, kathang-isip, at walang katotohanan.

AQUARIUS(January 20-February 18)
Tiyak akong babaha ng luha pag nalaman mong masaya na siya sa piling ng iba.

PISCES(February 19-March 20)
Kumbaga sa isda, mabilis napanis ang ka-sweetan niya sayo noon. Hindi niya na-preserve, hindi niya na-maintain.


P.S.: Suck laugh diba? Walang magva-Valentines!!!

Comments

Popular Posts